Huwebes, Hulyo 09 2009

curacha

Views



binata ka pa? gusto mo ipakilala ka namin kay felicity? dalaga pa iyon.

akala ko ay kung sinong isang napakagandang dilag ang inirereto sa akin ng mga kaibigan ni michelle (asawa ko ngayon)… yun pala ay si aling felipa.

takas din mula sa bansang saudi arabia si aling felipa… maltreatment ang dahilan kung bakit mas piniling niyang manatili dito… dalawampung taon na ren ang nakakaraan at sa edad na 58, nakalulungkot isipin na andito pa rin siya at nagbabanat ng buto… plano na raw talaga niyang mamirmihan sa pinas, nang makatapos sa kolehiyo ang dalawa niyang anak… pero nagbago ang lahat, nang magkasakit ang mister niya… lahat ng ipon nila ay napunta sa pagpapa-chemo nito at namatay lang din sa huli… pero ayos lang daw, at least nadugtungan niya ang buhay ng lalaking pinakamamahal niya…

may sariling pamilya na ang mga anak niya, at ayaw niyang maging pabigat sa kanila… kaya nandito siya... kumakayod sa paraang alam niya… kahit kailan hindi niya iniaasa sa iba ang ikabubuhay niya… hindi siya naging pabigat sa lipunan… naglilinis siya ng mga kotse sa umaga; may naipundar siyang makina, na ginagamit niya sa pananahi; sa gabi, naman ay madalas siyang nakikita sa paligid ng mga discoteca… kung saan namumulot ng mga basong naiiwanan sa tabi-tabi.

isang madaling araw, pagkagaling ko sa trabaho… pauwi na ako sa tinutuluyan ko… nang may makita akong mga anino sa dilim… tila nag-aayos ng kanilang mga sarili… malapit na ko sa kinaroroonan anila nang marinig ko ang boses ng isang lalake, see you next time felicity! …nagulat ako sa mga nakita ko… hindi ako nakapagsalita.

oy, roland. ngayon alam mo na kung bakit felicity ang pangalan ko sa gabi!

tatlong taon ang lumipas… nakabalik ako dito nang i-petisyon ako ng asawa ko… isang maalinsangang gabi, muling nag-krus ang landas namin ni aling felipa… ibang-iba na siya… wala na ang sigla sa kanya gaya nang una ko siyang makita... nanuyot ang kanyang balat at may paulit-ulit na pag-ubo.

ako: tita, kumusta na kayo?
bago siya nagsalita, isang mapanglaw na ngiti ang ibinigay niya sa ken.
>>>: ayaw kong magsinungaling sayo, roland... may sakit ako!
ako: aids?

niyakap niya ako at doon nagsimulang bumuhos ang mga luha niya… halo-halo ang sakit na dumapo kay aling felipa… siguro ay sinisingil na siya para sa mga panahong, wala siyang inatupag kungdi magtrabaho… maraming bukol ang naglilitawan sa katawan niya… ayun sa doctor, hindi na ren daw siya pwedeng bumiyahe… dahil hindi na kaya ng utak niya.

ilang buwan pa ang lumipas at kumalat ang balitang patay na si aling felipa… nakita siyang walang malay sa dalampasigan… madalas daw siyang nakikitang nakaupo doon... marahil ay doon niya hinihintay ang takipsilim ng kanyang buhay… nasaan man siya ngayon, alam kong masaya siya…dahil wala na siyang inaalala nang lisanin niya ang mundong ibabaw.

minsan naaalala ko ang huling pag-uusap namin ni aling felipa… naitanong ko sa kanya kung bakit sa tinagal-tagal niya dito… hindi niya naisip kunin ang dalawa niyang anak, para magkasama-sama sila… matalim ang naging tugon niya, hindi ako nagpakababa, para pagdating ng araw ipatitikim ko ren sa kanila ang hirap ng dinanas ko dito.

sa tuwing nagbabalik-bayan ako… madalas naririnig ko sa bahay, paulit-ulit na ipinapaala sa mga pamangkin ko, magsikap kayo sa pag-aaral, para gumanda din ang buhay nyo! …minsan gusto kong sumagot at kontrahin ang Nanay… dahil hindi lahat ng nakapagtatapos nagkakaroon ng magandang kinabukasan… at hindi lahat ng nag-aabroad, nagtatagumpay… kanya-kanyang diskarte at swerte lang yan sa buhay ■


“the great and glorious masterpiece of humanity is to know how to live with a purpose” –montaigne





18 ang umangas:

RJ

Saan naman kaya inihimlay ang mga labi ni Aling Felipa? Sa Pilipinas o sa Espanya?

Sana ay matagumpay na rin ang kanyang mga anak...


---
Maganda ang pagkasulat mo ng kwentong ito, Roland. Ito na ba ang iyong PEBA entry?

lucas

hays... so sad. love flourishes with humility, without demanding anything in return...

may she rest in peace.

EǝʞsuǝJ

ang lungkot naman...

Peba entry ba to manong?
maganda :D
pwede sa MMK...hehehe....

Roland

>> RJ:
kuya, sa tulong ng mga Filipino dito... nabigyan ng visit visa ang isang anak ni aling felipa... siya ang di bale ang pumirma sa mga papel bago iniuwi si aling felipa pabalik ng bayan natin.


>> Lucas:
yeah, truly sad.
sure she is now resting in peace.


>> Jenskee:
oo, ito ang entry ko sa PEBA... hindi lang ako sigurado kung pasok ito sa panlasa ng mga kinauukulan.

A-Z-E-L

mas maganda siguro kung ung addendum eh ipasok mo sa mismong entry kuya... pwede namang i-edit yan... matagal pa ang judging... :)

Roland

>> Azel:
actually nasa entry talaga siya,
inalis ko lang para hindi panira
sa centro ng kwento.

Roland

^^ yan pinagbigyan kita, hehe :D

Hindi-nagpakilala

nakaka sad naman.

ito ang tunay na realidad ng mga buhay ng OFW sa ibayong dagat.
pag may isinasaalang-alang ka sa buhay at andun kana, lahat-lahat gagawin mo.
hindi lahat nagtatapos sa isang magandang kwento.

saludo ako kay aling felipa!



PS:
title pa lang, panalo na.
iboboto ko ang entry na toh.

A-Z-E-L

kuya,

1. kindly email the link of this post at peba09@gmail.com.

2. put the PEBA logo (2009 Pinoy expats blog awards - with butterfly) along with your entry and link it to peba site. you may put at the beginning or at the end of the post... you can get it from PEBA site. (right side)

www.pinoyexpatsblogawards.com

3. grab the nominee badge at PEBA site (black logo 2009 nominee) and place it in your side bar and link it to PEBA site also...

once those 3 requirements are done... we will put you in the poll and will advice u pag nasa poll na ung entry mo para sa botohan.

salamat kuya... pag may tanong ka... punta ka lang sa bahay ko!

all the best!

Josh of Arabia

..isa na namang di makakalimutang obra, ..balik ako :D

ps: dalasan mo pa ang paglikha ng ganito.

rgds,

Francesca

maganda!

it is sad though that she did prostitution for a living, when she was in SPAIN!

there are other ways to keep living in Europe, she could have done something better.but there it is.

Your story is good, it reminds us OFW that not always ARE rosy and bright abroad, but we must be wise to get out of a bad situation before its too late. IF WE CAN

poging (ilo)CANO

kalungkot naman ang nangyari kay aling felipa.

Mr. Thoughtskoto

Kahit malungkot ang kwento, maganda pa rin ang nangyari kasi you come in contact with her at kahit papaano naibsan ang kalungkutan niya.

Thank you for joining and supporting PEBA. I am elated that someone from Spain has joined us! Goodluck sa entry mo!

dhyoy

so sad naman... sana masaya na siya at sana natupad niya lahat ng pangarap niya sa mga ank niya bago siya lumisan... sana pinahalaghan ng mga anak niya ang sakripisyong ginawa ni aling felipa...

natats ako dito...

Roland

>> Hindi-nagpakilala:
salamat sa pagdaan mo sa blog ko.


>> Azel:
accomplished.


>> Josh:
hehe, pag may time lang nakakagawa.
salamat at na-appreciate mo ang mga "obra" ko.


>> Francesca:
siguro yun lang ang paraang naisip niya
kaya humantong siya sa sitwasyong iyun
pero ok lang yun, kasi hindi nmn niya ginawa yun para sa sarili niya lang


>> Poging iloCANO:
yeah, isang katotohanang
hindi lahat ng nasa abroad may magandang kwento


>> Mr. Thoughtskoto:
until now im wondering bakit kylangan pagtagpuin ang landas namin sa simula at wakas ng buhay niya.
sure there is reason behind it, hindi ko pa lang nakikita

ur welcome. naka sked na talagang i-post ko ang entry na yan
nagkataong i was invited by Azel.
kaya, manalo... matalo... ok lang :D


>> Dyoy
nakapagtapos ang dalawang anak niya at maayos naman ang buhay nila sa pinas

tatz kba? hehe

Love

hmmm..
nakakalungkot naman isipin na kahit nasa maayos na kalagayan yung mga anak ni aling felicity, at sa kabila ng hirap na ginawa nya para sa mga anak nya, di man lang naisipan ng mga anak nya na alagaan sya..

(T.T)

sad.

Reymos

Wow nakatira ka ngayon sa Madrid! Nandun ako noong nakaraang Sept. Dinalaw ko yong aking Spanish friend at pinuntahan namin din ang Asturias at Pico de Europa! Ang ganda ng mga tanawin sa Spain! Siyanga, good luck sa entry!

roanne

na-sad naman ako bigla... =(

goodluck!

  © Blogger template 'Portrait' by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP